[Trending Now] Student’s Faith Remained Firm Even After Failing a Few Times. Now, She’s a Proud Graduate!

March and April’s trademark celebration are commencement ceremonies. It’s the time of the year of celebrating achievements, sharing and se...


March and April’s trademark celebration are commencement ceremonies. It’s the time of the year of celebrating achievements, sharing and seeing inspiring stories on social media, and hurling that graduation cap up in the air and say ‘Ah, I made it.’

Just like other graduates, Arielle Dominique Alcazar Rosales also has a story to tell. On Tuesday, April 3, 2017, she narrated her story on Facebook and detailed the hardships she went through on being a college student and a church devotee at the same time.


Student’s Faith Remained Firm Even After Failing a Few Times. Now, She’s a Proud Graduate!


"Mag-aral ka kasi muna bago ka mag serve-serve dyan sa church na yan. Mga linyang paulit-ulit kong naririnig sa mga pagkakataong umaabsent ako para maglingkod, na-eextend ang ojt kasi kasabay ng camp at VBS days, di nakakapag quiz dahil may mga concert na inaattendan at hindi nakakapag-aral kasi naglilingkod. Siguro nga OA na para sa iba. Pero sa tuwing maririnig ko ang mga salitang iyan mula sa iba't ibang tao (karamihan ay walang alam sa paglilingkod) lalo lang ako nagsusumikap mag-aral at maglingkod. Sabi ko sa sarili ko noon, "Hindi ko kailangang mamili, pareho ko tong pagtatagumpayan," Arielle said.

“Ngayon, kaharap ng bawat isa sa inyo ang litrato kong naka-toga kaakibat ang puso kong puno ng paglilingkod. Magkasabay, magkasama, at magkatuwang. Hindi ako namili sapagkat pareho itong nagbigay ng depinisyon sa aking pagkatao. Hindi ako hipokrita katulad ng iba na sa panahon lamang ng tagumpay magsasabi ng "Para sa Diyos" sapagkat sa unang parte palang ng istorya alam ko na, na ang pag gising ko maski alas siete ng umaga, ang bawat kilos maliit man o malaki ay ginawa ko para sa Kanya. Kaya ngayon masasabi kong ang lahat ng ito ay DAHIL SA DIYOS!”

“Para kay papa, na umuwi pa galing Singapore. Para kay mama, kahit hindi ko kayo makakasama bukas (sana proud pa rin kayo sa’kin). Para kay ate, na nagtanim sa isip ko sa mga katagang "iyan ang edukasyon, Nik, pagtiisan mo.’ Para kay Cheni at Chachii, kahit tamad kayo magtiklop ng damit. Wag niyong gayahin si Ate, higitan nyo lang ang alam niyong kaya niyo. 
Para sa buong angkan ko! At higit sa lahat, para sa mga nawalan ng pag-asa, nanghina, bumitaw at sumuko! Lord, sabe ko noon gumraduate lang ako ng eksaktong apat na taon maski walang sablay, pero higit sa hiningi ko ang ibinigay mo. Hindi ako nagkamaling unahin Ka, bago sila,” she concluded.

Arielle is a graduate of Colegio de San Juan de Letran. She marched this week as a degree holder of Bachelor of Communications and Arts, Cum Laude! She also earned a Best Research Paper award.

What can you say about this story? Tell us below.
Source: TNPFacebook

Related

trending now 8751154157640583479

Post a Comment

item